Home » Post Item » Unwritten Future Video

Unwritten Future Video

July 16, 2007

 ang UFGTC ay isang loose membership/fluid na samahan ng mga artista at nagpupumilit maging artista (tanggap at di tanggap sa industriya ng sining sa Pilipinas) na magbibigay ng mga "gerilyang atake pansining" at o "performance art" sa mga lugar partikular sa lungsod dabaw.

pangunahing layunin ng UFGTC! ay ang magbigay ng mga pagtatanghal sa kalunsuran na kikiliti sa natutulog na kamalayan ng mga tao hinggil sa ibat-ibang isyung kinakaharap ng ating buhay( sa araw-araw, maging ispiritwal, pampulitika, sosyo-kultural, at pangkalikasan)

isa sa motibo sa pag-iral ng UFGTC! ay ang paniniwala na ang tao/indibidwal ay may kakayahang lumaya mula sa mapang-aping lipunan na kanyang kinabibilangan na

kontrolado, hierarchical, authoritarian at walang respeto sa pagkakaiba-iba ng mga nabubuhay sa mundo.

 WATCH VIDEO @  http://youtube.com/watch?v=o3jBPDkl-NA

Posted by manila at 2:31 pm | permalink

Add a comment